Ito ang awit ko, ang awit mo, ang awit nating lahat.
Huwag nating pgilan ang ating sariling lumuha, tumawa o magkaroon ng pakiramdam dahil likas sa tao ang pagiging maramdamin, walang taong manhid dahil lahat tayo ay may pakiramdam, ang taong nagkukubli ng pakiramdam ang madalas napagkakamalang manhid at sa parrang ito madalas niyang nalilinlang ang ibang mga tao.
Ang huwad ay walang pinagkaiba sa bruha, pareho silang may pagkukulang sa mga tao at pareho din silang may ginagawa para sa tao, hindi sila dapat pakialaman at hindi sila dapat hayaan, sila ay mga nilalang na madalas nating nakakasalamuha ng hindi natin nalalaman.
May mga bagay na nangyayari sa buhay ng isang tao na magbibigay sa kanya ng buhay na masaya, maraming kasama at maraming kaibigan, pero may mga bagay na ginagawa ang tao sa buhay niya na nagiging sanhi ng pagkawala ng mga kasama niya, kaibigan niya at mga taong nasa paligid niya, kaya sa tao din nakasalalay ang magiging kinalabasan ng kanyang mga gawain.
Ang buhay ay arbitraryo, may mga paningin sa buhay ang ibang tao na taliwas na tingin ng iba, pero iisa ang hangarin ng bawat tao, ang makaranas ng kaligayahan....ang mga taong naghahanap ng kalungkutan ay nakararamdam ng kaligayahan sa kabila ng kalungkuta, dahil iba-iba ang hinuhugutan ng bawat tao ng kaligayahan nila, sumakatuwid, ang buhay ay arbitraryo, parang ang vernakulo ng ibang tao na hindi iba sa atin, hindi man ito ating atin, nagkakaintindihan parin.
Samahan ang sarili sa pagtahak ng mga pagsubok ng buhay, huwag na huwag iiwan ang sariling nag-iisa sahil ang dulot nito ay isang matinding pighati...isang matinding pighati na mahaba ang durasyon, matagal ang buhay at mabagal ang takbo, hindi mo ito kakayanin at ikaw ay luluha, huwag na huwag mapagpapasiyahang paslangin ang sarili pagkat hindi ito magandang daan upang ang problema ay mahanapan ng lunas, hindi lunas sa pagsubok ang pagtakas dito, marapat lang na harapin ang bawat pagsubok at matuto sa lahat ng pagkakamaling nagawa sa buhay.
Maaaraing magkaroon ng mga pagsisisi sa buhay ang isang tao, pero hindi niya mararating ang kanyang kasalukuyang estado kung hindi niya nagawa ang pagpapasyang iniiaip niyang mali, dahil ang bawat bagay ang nagaganap sahil sa isang dahilan...
Maaaring ang dahian ng pangyayari na ito ay nauna o darating pa lamang...pero sa kabilang banda...ang dahilan ng mga pangyayari ay nasa puno at dulo ng ating mga pagpapasya, ang dahiln na nagsanhi ng pagpapasya, at ang dahilan na isinanhi ng pagpapasya.
Magulo ang buhay pero napaka-ayos nito, maikli ito pero mahaba, madali ito pero mahirap...ito ang mga pag-uuyam ng buhay, ito ay dulot ng natural na paghanap ng tao ng mga paraan upang lalong maging maligaya sa buhay niya dito sa mundo, hindi ito maiaalis sa isang nilalang, bagkus ito ay tumitindi sa bawaw araw, oras, minuto, segundo ng buhay niya.
Huwag maging huwad sa laro ng buhay, huwag mawalan ng mala sa iyong kapaligiran. ito ang taghoy ng ating isipan...ang buhay ay pag-ingatan...Maging maligaya at maging masaya.
Ito ang buhay ng tao.